Break ba kamo?

Minsan ninanais ko na mawala sa mundo.
Yung tipong sa isang araw lang mapunta ka sa lugar na walang problema, walang inaalalang trabaho, walang inaalalang mga tao.
Hindi ako nagsasawa sa mga pangyayari sa mundo ko.
Hindi ako nagsasawa sa ilang paulit-ulit na pangyayari.
Minsan lang talaga gusto kong itigil ang mga pinagkakaabalahan ko sa buhay.

Saan kaya magandang pumunta? Saan kaya ako makakahanap ng hindi ko pa nararanasan?
Diyan na lang siguro sa kanto, uupo na lang ako at pagmamasdan ang mga dyip na dumadaan.
Ang cheap naman. LOL.

There are no comments on this post

Leave a Reply