ON FICTION: Ano Ba Talaga?

Hindi ko talaga maitatanggi na matalik na magkaibigan silang dalawa. Pag malungkot yung isa, eh malungkot din naman yung isa. Pag masaya siya, masaya din yung isa. Nakakatuwa nga silang pagmasdan pag sabay silang naglalakad at parehong nakangiti eh. Parang walang mga bakas ng pagkalugmok sa buhay yung dalawang yun.

Aminin natin sa mga sarili natin na minsan talaga dumadating sa buhay nating ang mga bagay na hindi natin inaasahan. Yung tipo bang abalang abala ka sa isang bagay tapos bigla na lang ayan na sa harap mo ang ni minsan hindi mo inisip na darating.

Napagod na siguro siyang magmahal kaya parang hindi na siya masyadong open sa mga relationships ngayon. Pagod na siguro sa pagunawa, sa pagsunod at sa pagbibigay ng oras para sa isang relasyon. Kaya naman inaalagaan na lang niya ng mabuti ang mga kaibigan niya sa ngayon.

“Matagal ko na ‘tong gustong sabihin sa’yo eh.”

“Na? Ang emo mo na naman ah.”

“Hindi nga, walang biro. Seryoso naman kasi ako ngayon. Kaya please, makinig ka. Ha?”

“Sige-sige” at umayos siya ng upo.

“Alam mo ba kung gano kita kamahal?”

“Sus. Oo naman. Para namang hindi tayo magkaibigan ng ilang taon na. Isa..Dalawa..–” patay malisya siyang nagbilang.

“Hindi yun eh. Mahal kita higit pa sa isang kaibigan.”

Napatigil siya sa pagbibilang at napatingin sa mata ng kaibigan. Sandali lang at inalis niya ang tingin dahil nailang na din siya. Napaka akward ng sandaling yon.

“Mahal din kita. Pero–”

Pagkatapos ng araw na yun eh parang walang nangyare. Hindi nila pinagusapang dalawa kahit kailan simula nun. Nakakatawa nga eh, parang wala talagang nangyare; nagtatawanan parin sila pero hindi maalis sa mukha niya na ang pagkailang dahil sa pinagtapat ng kaibigan.

Dumating ang oras na pagkatapos ng ilang buwan mula sa paguusap nila eh naopen na naman ang topic na yun.

“Mahal mo ba talaga ako?”

“Maybe not now. Oo mahal kita pero–”

“Kailangan ko ng dahilan kung bakit hindi momagawang panindigan ang sinabi mo.”

“Maybe it’s not the right time. Maybe it’s just that you said it na wrong timing. Anu ba, masaya naman tayong ganito tayo diba?”

“Siguro ikaw masaya pero sa tuwing naguusap tayo nasasaktana ko dahil parang kinalimutan mo yung sinabi mo noon. Na parang wala lang nangyari nun. Hindi mo ba naiintindihan ang salitang ‘MAHAL’? Ha?”

Tahimik na naman siya gaya ng dati. Pag nagagalit sa kanya ang mga kaibigan niya, tahimik lang siya at walang imik; tahimik na parang walang naririnig: para bang pasok dito, labas dun. Sinabi niyang mahal niya ang tao pero hindi niya mapanindigan. Anong punto ng pagsasabi nun eh kung hindi mo man lang maipakita na pinaninindigan mo ang mga salitang binitawan mo.

“Ayoko na muna. Wag muna.”

“You knew it therefore that you don’t feel the same way as I do. Why do you even have to say those dumb words?”

“Ewan ko, siguro nadala lang din ako sa mga emosyon ko sa mga panahon yun. Mahal kita bilang kaibigan pero higit dun, hindi ko alam.”

“Ang labo mo.”

There are no comments on this post

Leave a Reply