Dapit hapon na nung naguusap sina Nikko at Chris sa isang hagdanan sa Unibersidad kung saan hindi masyadong kita ang paglubog ng araw. Medyo malumanay ang tama ng sinag ng araw, na siya namang bumababa, sa mga bintana ng mga katabing gusali. Rinig na rinig ang mga ibong nagpupumilit makinig sa pinaguusapan ng dalawa. Malayo sa mataong lugar ang pinaglalagyan ng dalawang magkaibigan.
“Wala na kami. Alam mo, mahal na mahal ko siya. Siya lang naman ang sumuko na kaya binitawan ko na din maski ayaw ko.”
“Chris, alam mo, kung ayaw na niya talaga wala na tayong magagawa dun. Anong gusto mo, pilitin niya ang relasyon niyo maski wala na siyang nararamdaman para sa’yo? Tignan mo yun sa ganung angulo.”
“Sabi niya dati mahal niya ko. Sabi niya dati kami lang habang-buhay. Sabi niya dadating ang araw na–.”
“Makinig ka nga, kung mahal ka niya, bakit ka niya iniwan na lang ng ganun-ganun? Ang pagsabi ng ‘mahal kita’ eh yun lang ang nararamdaman niya sa sandaling oras na yun. Yung pagsabi niya na ‘habang-buhay’ eh dahil yun ang nakikita niya at nararamdaman sa sanaling oras na yun. Minsan, ang mali natin eh inuuna natin masyado ang mga emosyon natin at isinasantabi ang iba pang mahahalagang bagay na dapat pang intindihin.”
“Pero bakit niya nagawa sakin yon? Akala ko ba mahal niya talaga ko?”
“Chris sandali nga pwedeng makinig ka muna? Makinig ka muna sa sinasabi ko!?” Tumayo si Nikko mula sa kinauupuan niya.
“Mahal ko siya. Hindi mo ba naiintindihan? Sarado na ang isip ko ngayon dahil nasaktan ako. Pinaniwala niya ko sa mga pangako niya. Tapos ngayon eto, iiwan na lang niya ko dito ng parang walang nangyare sa apat na taon?”, hindi na napigilan ni Chris ang pagsigaw at pagiyak dahil hindi na niya maitago ang sakit na nararamdaman niya, “Alam mo, you don’t know what I’m going through kasi masaya kayo, walang problema at…”
“Wala na din kami.”
Napatigil si Chris at napalingon na lang kay Nikko na parang tumigil ang oras. Walang masabi si Chris.
“Kelan pa?” tanong ni Chris.
“Last month pa. Kinaya ko. Bakit ikaw hindi mo makaya?”
Bumalik si Chris at umupo ulit sa tabi ni Nikko. Hindi niya alam ang sasabihin niya dahil sa sobrang emosyon na na nailabas at naipakita na niya kay Nikko. Matagal na silang magkaibigan ngunit parang noon niya lang naramdaman ang sobrang pagmamalasakit nito sa kanya.
Iniwan ni Abby si Chris na wala man lang sinasabing kahit anong dahilan bakit niya yun ginawa. Apat na taon na sila at naging masaya at puro pangarap ang relasyon nila. Ngunit hindi kelan man naisip ni Chris na mangyayari yung araw na yon. Iniwan siya ni Abby kung saan sila nakaupo ni Nikko kaya hindi pa din niya maalis sa kokote niya ang sandaling sinabi ni Abby na “paalam”.
“Kahit kailan hindi ko inisip na gagawin niya sa’kin ‘to.”
“Let go Chris. Tama na. Tapos na.” Umalis si Nikko ng walang kahit anong paalam.
Pinagmasdan na lang ni Chris si Nikko sa pagalis niya na parang wala nang magawa. Napansin niyang umiiyak din si Nikko ngunit wala siyang maisip na dahilan kung bakit nagalit ito at umiyak. Sinuntok niya ang pinakamalapit na pader sa likod niya at nagsimula na naman siyang umiyak.
Narinig niyang tumunog ang cellphone niya kaya agad siyang umupo at binasa ang text mula kay Nikko.
“Mahal kita, Chris.”
ang galing naman ng iyong imahinasyon sa pag gawa ng isang malikhaing kwento…
i la la la love this one..
@ fhranz. thanks! =) haha.