Ang Internet Cafe

Noong unang panahon (hindi naman siguro ganun katagal), naimbento ang Internet. Ngunit una itong nagbukas para lamang sa malalaking kompanya. Hindi nagtagal ito na rin ay nagbukas sa publiko at naging sikat para sa lahat. Dahil na din siguro sa mabilis na pagiging kunektado sa buong mundo, ito rin ay naging daan patungo sa Global Village.

What the heck? Baket may ganitong usapan? (haha)


Anyway, ayun nga, at naging bukas na nga ang Internet technology sa buong katauhan kaya naman napagnilay-nilay (nilay-nilay, meeeh ganun?) ng mga entrepeneurs na magbukas ng isang establisyamentong tinawag nilang Internet Cafe.

Baket nga ba ito tinawag na internet cafe? Inalam ko ito sa aking computer professor at ayon sa kanya kaya sinamahan ng cafe ang internet business ay dahil sa bagal ng connection speed. Habang hinihintay nilang magload ang link na cinlick nila, eh, umiinom muna sila ng kape para naman hindi sila mabored (mabored? meeeh ganun?) habang nagloload nga ang nasabing link na cinlick nila.

* * *

Ginagamit ko ang internet ng mahigit anim na taon na siguro. Dalawang taon siguro dun dial-up ang gamit ko. At sobrang galak ko ng nilagyan ng LAN Connection (o high speed internet) and computer ko.Tipong isang click mo lang, wala pang ilang segundo, eh andun ka na sa link na cinlick mo. Isa pa, hindi ka na magda-dial pa at maririnig ang weird na tunog mula sa modem mo para lang maenjoy ang mabagal na connection. How ironic hindi ba?

Ngayon, balik dial-up na naman ako dahil daw wala naman ako lagi sa bahay, sayang lang daw ang binabayad. Hindi man lang ako makapagPLURK, MULTIPLY, YOUTUBE, YAHOO MAIL, DOWNLOAD at marami pang bagay na naeenjoy ko dati sa LAN dahil nga pinutol na! Isa pa, Pinutol na! Isa pa, PINUTOL NAAAA!

Join me in grief and pain.

Farewell, LAN.

One Response

  1. ayos! napaka-informative.. hehhee lols..

    ngayon alam ko na kung bakit tinawag na Computer Cafe..

    nice!\m/ hehehhee

Leave a Reply