Kagabi pumunta ako sa computer shop dyis oras ng madaling araw dahil may kailangan akong i-send kay Chad kasi nga nakalimutan kong isend yung powerpoint file na kailangan niya. Kaya naman nagmadali ako at pumunta sa computer shop.
ER: Tita, wala pong internet. Old Lady: Baka dahil diyan sa nakasaksak (flash disk) mo kaya ayaw gumana. Tanggalin mo muna. ER: Hindi naman po kasi– (sabay tanggal ng flash disk)
Ayun nga, tinry ko ulet at ayun ayaw pa ring gumana ng internet kaya naman tinawag ko ulit siya at pinacheck ang computer na gamit ko. Cinlose na niya ang mga tabs sa browser ko at kinalikot ang desktop na parang expert. At sinabing…
Old Lady: Kasi sabi ng anak ko dapat marunong yung gagamit nito sa Bes. ER: Anu po? Old Lady: Bes. ER: Ah. Yung anu po? Old Lady: Bes– BESTA.
Natawa ako ng bahagya, aaminin ko. Hindi ko kasi mapigilan. Vista pala ang ibig sabihin niya at siyempre pinaikli pa niya: BES for BESTA! Panalo pare.