Ang hirap.
Ang hirap magbudget ng pera lalo na kung kulang pa ang binibigay sa’yong allowance ng pambuong-linggo. Minsan pare naiiyak talaga ‘ko sa pagbubudget. May ganito, may ganyan, kelangan bayaran ‘to, kelangan ding bayaran yan. Ang sakit sa ulo.
Kung pwede lang kumuha ng unlimited supply ng pera sa nearest ATM machine diyan sa dorm eh oras-oras ko nang ginawa. Cash flow beybeh! Pwede bang umiyak?
Nahihiya na ‘kong humingi ng extra allowance sa tatay ko kasi naman andami na din naman niyang iniintinding bayarin sa bahay. Sumasakit na nga din ulo niya sa kakabudget ko ng gastusin. Oh-ha, at least nagbu-budget ako ng gastusin!
Sa ngayon, gusto kong humanap ng raket para naman may pang-extra breads ako. Ang hirap ng umaasa langĀ sa weekly allowance eh. Heavy mehn.
naku, hirap nga yan, talagang kailangan mo mag hanap ng racket.. ako rin yan problema ko dati kaya ayon naghanap rin ako ng trabaho – tama ka kahiya na rin sa parents laging humingi ng pera eh nag ba-budget rin sila di ba?
ako sa mcdo nag crew. ok naman, at least nakatulong rin yon. dami ko pang naging kaibigan din. enjoy kahit papano, yun nga lang habang nagma-malling mga ka dorm ko ayon nag bebenta naman ako ng big mac.
hahaha. nakakatuwa naman at nagblog ka din sa blog ko. o diba. ayus lang yan. hindi pala ako nag-iisa. it’s really reliving to read other people’s story. salamat sa pagdaan at sa pagbasa ng blog ko! nainspire ako. haha.