Sige lang, ulan lang

Alam ko maraming tao ang nalulungkot kapag umuulan. May sudden emotional change daw na nangyayari kapag pumapatak na ang ulan. Ang wirdo noh? Ulan lang yun ha.

Ewan ko pero ako pag umuulan, oo may sudden emotional change pero, masaya ako. Hindi ko alam kung bakit. Kasi siguro malamig. Kasi siguro nakakaenganyo ang tunog ng ulan lalo na pag tumatama ito sa kisame ng bahay niyo.

Ang sarap pakingan ng ulan. Tapos umiinom ka ng mainit na kape tapos kasama mo–.

Teka, mag-uunat lang ako.

Ayun, sabi ko nga napakasarap sa pakiramdam pag umuulan; para sakin, tila pinapasaya nito ang bawat taong nakakarinig ng himig nito. Parang sinasabi niya na lumabas ka ng bahay mo at magtampisaw kasama niya, magpakabasa at maging masaya na parang wala kang pakialam sa mundo.

Malamig at presko sa pakiramdam kaya na lang siguro nagustuhan ko ang ulan. Yung mga tubig na dumadaan sa salamin ng bintana mo, yung mga tila hangin na na patak ng ulan at ang makulimlim na langit; napakasarap.

Tara, ligo tayo sa ulan.

There are no comments on this post

Leave a Reply