Nakakatuwa talaga pag nakikita mo ang isang tao na masaya dahil sa maliit na bagay na ginawa mo. Nakakatuwa na nakikita mo ang ngiti sa kanyang labi, sa kanyang mga mata, sa bawat kilos na ginagawa niya.Na kahit sa isang sandali lang parang tumitigil ang lahat at siya lang yung napapansin mo at ang kanyang mga ngiti. Ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap ulit ulitin ng sandaling iyon.