Paulit-ulti, nakakasawa

Naranasan mo na bang magdesisyon sa isang bagay na sa tingin mo ay hindi naman pala aprubado ng mga tao sa paligid mo na makakaapekto din sa kanila? Yung tipong nagdesisyon ka na agad, um-oo sila, sumangayon at bandang huli eh ikaw din ang sisisiin?

Kung iisipin mo eh napakadaling baliktarin na lang bigla ang sitwasyon at ayun, ikaw na nagdesisyon ang nasa baba na ngayon. Parang bola lang yan eh; paikot-ikot, talbog dito, talbog dun, pasa dito, pasa dun ngunit kalaunan eh matututunan mo din na yan bola pala eh sadyang ganyan lang, bilog at pulit-ulit lang ang galaw.Minsan nakakasawa na din ang mga sitwasyong mabigat at paulit-ulit. Sino nga ba ang may gustong laruin ang isang bolang mabigat, diba? Minsan nagsasawa na lang ako eh. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko, may iba pa ba ‘kong magagawa? Wala na eh kundi eto lang at ito. Ito lang at ito.

Nagiisip ako ng paraan para lumayo at umalis, wala naman akong maisip na paraan; kailangan ko pa ding manatili dito at tiisin.

Sa paulit-ulit na nangyayaring to, ayun…ganito na lang ako.

 

There are no comments on this post

Leave a Reply